Isang Dipang Langit - Amado Hernandez | |
Isang Dipang Langit Amado V. Hernandez Ako'y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko'y piitin, katawang marupok, aniya'y pagsuko, damdami'y supil na't mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay. Sa munting dungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha, maramot na birang ng pusong may sugat, watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susi't walang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki'y atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapo'y tila isang tanikala na kala-kaladkad ng paang madugo ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo. Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding; sa maputlang araw saglit ibibilad, sanlibong aninong iniluwa ng dilim. Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang sa hudyat - may takas! - at asod ng punlo; kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw, sa bitayang moog, may naghihingalo. At ito ang tanging daigdig ko ngayon - bilangguang mandi'y libingan ng buhay; sampu, dalawampu, at lahat ng taon ng buong buhay ko'y dito mapipigtal. Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap at batis pa rin itong aking puso: piita'y bahagi ng pakikilamas, mapiit ay tanda ng di pagsuko. Ang tao't Bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api, tanang paniniil ay may pagtutuos, habang may Bastilya'y may bayang gaganti. At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandipang langit na wala nang luha, sisikat ang gintong araw ng tagumpay... layang sasalubong ako sa paglaya! Bartolina ng Muntinlupa Abril 22, 1952 www.activeboard.com/forum.spark?aBID=117200&p=3. | |
Friday, February 4, 2011
ISANG DIPANG LANGIT
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1.In every stair of our life,there will be a cross of trials but do not fear for the lord is with us forever.
ReplyDelete2.Trials are like fire,it can destroy or strengthen you depending on your character outlook in life.
3.God never gives burden heavier than we could carry.No matter what,he wants us happy.
4.Life is never without a problem,never without difficulty,never without hurtful moments,but never without God to lean on.
5.When rocks block your way and mountains make the going difficult,always remember that rocks can be a stepping stone while mountains give the most perfect view.